Buntong-Hininga Lyrics by Johnoy Danao in Samu't-Sari Album.
Buntong-Hininga Lyric
Sa dinami-daming tao sa mundo
May nag-iisang para sa’yo
Kanyang pupunan ang ‘yong pagkukulang
S’ya ang sasalo anumang ibato ng mundo
Ang’yong pag-alala, kanyang mapapakalma
Ang dating ayaw mo, ika’y magkakagusto
Ang isa’y dalawa, kayong dalwa’y iisa
Saan ka man magpunta, hindi ka na mag-iisa
Kaya pagal na puso, ‘wag na ‘wag susuko
May hihilom, sa mga sugat mo
Sa iyong mga patawa, ay ‘di ka na papalya
Siya ang tanging bangka, ‘pag baha nang ‘yong luha
At ‘pag naliligaw na, kamay nya ang ‘yong mapa
S’ya ang antipara, pag malabo na ang ‘yong mata
Kaya saradong puso, buksan muli ang iyong pinto
May kakatok
May kakatok
Balang araw
Sa dinami-daming tao sa mundo,
Aba’y akalain mong tayo ay magtatagpo
Nagkatugmahang puso, sa wakas simula na ‘to
Buntong hininga
Buntong hininga
Mag buntong hininga kaya muna tayo…